Ebanghelyo: Lucas 9:43b-45
Lubos na namangha ang lahat dahil sa kada kilaan ng Diyos. Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Ita nim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.
Pagninilay
Namamangha ang mga ala gad ni Jesus sa Kanyang mga himala at pagpa pagaling sa mga may sakit. Gayunpaman, hindi na sila nangangahas pang magtanong kung anong tingin nang mga tao tungkol sa Kanya. Natakot silang magtanong. Hindi nila matanggap ang parating na pagdurusa at kamatayan ni Jesus. Umaasa sila sa isang haring matagumpay. At hindi ganito ang paghahari ni Jesus. Ang Kanyang paghahari ay nananahan sa mapagpakumbabang pagaalay ng sarili para sa iba. Mayroong panahon sa ating buhay na pinipili lang natin ang taong nais nating tingnan o pakinggan. Iniiwasan ang mga bagay na magdudulot ng pangamba. Tayo ay nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan sa mga pangambang mangyayari sa ating paligid. Hindi natin gustong sumali at makilahok. Buksan natin ang ating mga mata at tenga upang matuklasan at marinig ang mga tinig na nangangailangang pansin sa paglilingkod. Ang pananalig kay Jesus ay magiging makabuluhan kung tayo’y magiging tulad niya na mapagpakumbaba sa paglilingkod at paghahandog ng sarili upang magbigay buhay sa iba.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023