Ebanghelyo: Juan 1:47-51
Nakita ni Jesus si Natanael na palapit sa kanya at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan, isang totoong Israelitang walang pagkukunwari.” Sinabi sa kanya ni Natanael: “Paano mo ako nakilala?” Sumagot sa kanya si Jesus: “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng punongigos, nakita na kita.” Sumagot si Natanael: “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” Sumagot si Jesus: Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng punongigos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo.” At idinugtong ni Jesus: “Talagangtalagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas na ang langit at panhikpanaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”
Pagninilay
Kapag Ang larawan ng mga angel na nakadamit ng puti at mayroong mga pakpak ay palaging nagpapaalala sa kapurihan sa kalangitan. Sila ang aakyat at bababa sa Anak ng Tao sa katapusang panahon. Ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan nang mga Arkanghel na sina San Miguel, San Gabriel, at San Rafael. Si San Miguel, ang pangulo sa mga hukbong kalangitan, ay itinuturing patron ng mga sundalo. Si San Gabriel naman ay ang mensaherong nagpahayag sa Mabuting Balita kay Santa Maria. At si San Rafael, ang nagpagaling sa pagkabulag ni Tobit, na ang pangala’y nangangahulugang, “ang Diyos ay mapagpala.” Tunay ang presensya nang mga anghel sapagkat si Jesus ay nagpapabatid tungkol sa kanila. Ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan ay magbigay nawa sa atin ng sigasig at pagasa sa makalangit na kapurihang ating matatamo pagdating ng panahon. Sikapin na sa pamamagitan nang mabubuti nating gawa, magiging karapatdapat tayong humarap sa Panginoon tulad ng mga anghel.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023