Ebanghelyo: Lucas 9:7-9
Nabalitaan naman ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyaya ring ito at litunglito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. Si nabi naman ng iba na nagpa kita si Elias, at ng iba pa na isa sa mga propeta noon ang buma ngon. At sinabi ni Herodes: “Pina pugutan ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sini kap niyang makita siya.
Pagninilay
Naguluhan si Herodes sa mga pangyayari. Naba ga bag ang kanyang isipan at puso. Batid niya ang kanyang ginawa kay Juan na Tagapagbinyag, isang taong matuwid. Gayunpaman, dahil sa kanyang kayabangan, kan yang ipinapatay at ipinatong sa plato ang ulo ni Juan. Ang konsensya ang boses ng kato tohanan at kataru ngang bumabagabag sa atin sa panahong naguguluhan tayo kung anong tunay at matuwid. Kahit ano pang pagtakas natin, mananatili ang konsensya sa pag bagabag sa atin hanggang mabigyan ito ng pansin sa pagninilay, pagsisisi, pagdarasal, at pagsusumikap sa pagbabago. Bigyan ang ating sarili ng katahimikan sa pananalangin at pagtanaw sa mga balakid ng kapaligiran upang mangusap ang ating isipan at puso sa mga kakulangan at kabiguan. Humingi tayo ng biyaya upang manatili sa katotohanan at katuwiran.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023