Ebanghelyo: Lucas 8:19-21
Pinuntahan naman siya ng kan yang ina at mga kapatid pero hindi sila maka lapit sa kanya dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya: “Naka tayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid, at gusto kang makita.” Su ma got siya at sinabi sa kanila: “Ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at nagsasagawa nito, sila ang aking ina at aking mga kapatid.”
Pagninilay
Madaling sabihin na Kristiyano ang isang tao dahil siya’y binyagan. Ngunit ang tunay na kabilang sa tahanan ni Jesus ay ang mga nakikinig at tumutupad sa mga aral ng Salita ng Diyos. Ano ba talaga ang ating hinahanap sa buhay? Hinahanap din ba natin si Jesus sa pagnanais na makinig sa kanyang mga salita at sumunod sa kanyang mga aral? O hinahanap lamang natin ang mga bagay na lumilipas? Si Jesus, ang Salitang nagpakatao, ay dumating upang atin g matuklasan ang pa mumuhay bilang mga anak ng Diyos. Tulad ng isang nakatatandang kapatid, tinuturuan tayo ni Jesus sa daan at mga gawi upang tayo’y makapiling ng ating Diyos Ama. Ang lahat ng tumatanggap sa kanyang salita at sumusunod nito’y nananatili sa isang tahanan ng Diyos Amang nagliligtas, sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak. Tayo ay humingi nang gabay sa Mahal na Birheng Maria upang mapalapit sa kapatid nating si Jesus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023