Ebanghelyo: Lucas 9:7-9
Nabalitaan naman ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayaring ito at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ng iba pa na isa sa mga propeta noon ang bumangon. At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sinikap niyang makita siya.
Pagninilay
Ang mga salita at kilos ni Jesus ay nakakabagabag kay Herodes. Siya ay nabalisa ngayon ng kanyang budhi dahil sa ginawa niya kay Juan Bautista. Ang pagnanais niyang makilala si Jesus ay isang pahiwatig na nagsimula na ang kanyang pagbabalik-loob? Bakit hindi? Hindi mahalaga kung gaano kalubha at katigas ang puso ng isang tao, ang biyaya ng Panginoon ay hindi kailanman mabibigo! Mayroon ka bang anumang mga kasalanan na itinago mo sa loob ng maraming taon? Paano ito nakakaapekto sa iyo? Ang simbahan ay mayroong sakramento ng kumpisal. Lumapit tayo sa pari dahil tutulungan ka niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesus upang mabigyan ka ng kapayapaan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021