Ebanghelyo: Lucas 7:11-17
Pagkatapos ay pumunta naman si Jesus sa isang bayang tinatawag na Nain at sinamahan siya ng kanyang mga alagad kasama ang mara ming tao. Ha bang papalapit siya sa pintuan ng bayan, tamangtama namang inilalabas ang isang patay – ang nagiisang anak na lalaki ng kanyang ina, at ito’y isang biyuda kaya sinamahan siya ng dikakaunting tao mula sa bayan. Pag kakita sa kanya, nahabag sa kanya ang Panginooon at sinabi: “Huwag ka nang umiyak.” Luma pit siya at hinipo ang kabaong; tumigil naman ang mga may dala. At sinabi niya: “Binata, iniuutos ko sa iyo, buma ngon ka!” Umupo nga ang patay at nagsimulang magsalita; at ibi nigay siya ni Jesus sa kanyang ina. Na sindak ang lahat at nagpuri sa Diyos, at sinabi: “Lumitaw sa atin ang isang dakilang propeta at dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan.” Kayat kumalat ang balitang ito tungkol sa kanya sa buong lupain ng mga Judio at sa lahat ng ka ra tig na lupain.
Pagninilay
Ang pagmamahal ng isang ina ay siyam na buwang pagdadalangtao, dalawang taon sa kanyang mga braso, apat na taon sa kanyang mga kamay, at magpakailanman sa kanyang puso. Samakatuwid, pinakamasakit na karanasan para sa isang ina ang paglilibing sa kanyang sariling anak. Ganito ang nasaksihan ni Jesus sa lungsod ng Nain kung saan natuklasan Niya ang isang inang nadadalamhati sa libing ng kanyang anak. Lubos na na habag si Jesus. Nadama niya ang nararamdaman ng ina sapagkat Siya’y isa ring anak. Ito ang nagudyok kay Jesus upang buhayin ang anak ng biyuda. Ang tagpong ito’y nagpapakita na si Jesus ay nagpapamalas ng makataong damdamin ng kalungkutan. Siya ay nagpakatao at na ging isang anak na kabilang sa isang pamilya upang Kan yang maranasan ang buhay ng tao. Sa panahon ng ka lung kutan at paghihirap, huwag nating kalimutang Siya’y kasama natin. Si Jesus ang ating pagasa sapagkat sa Kanya nagmumula ang kaluwalhatian ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023