Ebanghelyo: Lucas 7:1-10
Matapos ituro ni Jesus ang mga ito sa mga tao, pumasok siya sa Capernaum. May isang kapitan na may katulong na naghihi ngalo at pinahahalagahan niya ito. Pagkarinig niya tungkol kay Jesus, nagpapunta siya sa kanya ng mga Matatanda ng mga Judio para pakiusapang pumunta at pagalingin ang kanyang katulong. Pagdating ng mga ito kay Jesus, taimtim nila siyang pinakiusapan: “Marapat lamang na pagbigyan mo siya; mahal nga niya ang ating bayan at siya ang nagpatayo ng aming sinagoga.” Kaya kasama nilang pumunta si Jesus. Nang hindi na siya kalayuan sa bahay, nagpapunta naman sa kanya ng mga kaibigan ang kapitan para sabihin: “Ginoo, huwag ka nang magabala pa; hindi nga siguro ako karapatdapat para tumuloy ka sa aking bahay. Kaya hindi ko man lang inakalang nararapat akong lumapit sa iyo. Magutos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko pero may mga sundalo sa ilalim ko. At kung iutos ko sa isa, ‘Umalis ka,’ umaalis siya; at sa iba naman, ‘Halika,’ at pumaparito siya. At pag sinabi kong ‘Gawin mo ito,’ sa aking katulong, ginagawa nga niya ito.” Humanga si Jesus pagkarinig niya nito. Lumingon siya sa mga sumusunod sa kanya at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo, sa Israel ma’y hindi ko natagpuan ang ganitong pananalig!” At nang magbalik sa bahay ang mga sinugo, natagpuan nilang magaling na ang katulong.
Pagninilay
Bago tumanggap ng Banal na Katawan ni Kristo, sinasambit natin, “Panginoon, hindi ako karapatdapat na magpatuloy sa Iyo ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.” Ito ang mga salitang sinambit ng opisyal na humingi ng tulong kay Jesus upang pagalingin ang kanyang kasamahang may sakit. Ang mga salitang ito’y nagpapakita nang isang pusong mapagpakum babang tumitingin sa kan yang sariling hindi karapatdapat, ngunit lubos na umaasang lumapit at humingi nang tulong sa Panginoon. Ang ganitong kata ngian ay nagpapakita ng lubos na pananalig sa kapang yarihan nang Diyos na kailanma’y hindi bumibigo sa atin. Ganito ang nagtitiwalang katangiang hinahangad ng Pa nginoon upang ang mapagpalang kapangyariha’y kumilos para sa ating kabutihan at karamdamang espiritwal. Sa panahon nang kahirapan, ang Panginoon lamang ang ating sandigan. Humingi tayo nang biyaya tungo sa mapagpakumbabang pananalig sa atin g Diyos at bigyang lubos na halaga ang kanyang mapagpalang Salita.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023