Ebanghelyo: Lucas 6:43-49
Hindi makapamumunga ng masa ma ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi maka pa mumunga ng mabuti. Nakikilala ang ba wat puno sa bunga nito. Hindi makapi pitas ng igos mula sa tinikan ni maka aani ng ubas mula sa dawagan. Nag lalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng ma sa mang bagay mula sa kanyang kasamaan. At sinasabi nga ng bibig ang uma apaw mula sa puso. Bakit pa ninyo ako tinatawag na ‘Pa nginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko? Ilalarawan ko sa inyo ang luma lapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at tumutupad nito. May isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay nang ma lalim at sa batuhan inilagay ang mga pun dasyon. Pagdating ng baha, hinampas ng agos ang bahay na iyon pero wala itong lakas para yanigin iyon sapagkat mabuti ang pagkakatatag niyon. At kung may nakaririnig ngunit di naman nagsasagawa, matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na wala namang pundasyon. Hinam pas ito ng agos at kaagad bu magsak. Anong laki ng pagkawasak ng bahay na iyon!”
Pagninilay
Kung anong nasa loob ng ating puso, gayun din ang lalabas sa ating bibig. Kung anong ating ninanais, gayun din ang paroroonan ng ating mga gawa. Ang pagpapa hayag ng pananampalataya sa pamamagitan ng salita ay masasa yang lamang kung walang paggawa. Ang mga magagandang gawain ay nag papatunay at nagiging sandi gan nang ating ipinapahayag na pananam palataya kay Jesus. Kung tunay ang pananam pa lataya natin kay Jesus, siya mismo ang makikita sa kilos natin. Na kakalungkot isiping mayroong mga taong nagsa sabi na, “simba nga nang simba pero ang sama naman nang ugali.” Ang binhi nang Salita ng Diyos ay kinakailangang tumubo sa atin upang mamunga ng marami at mabuti sa ating mga gawa at pagsusumikap. Nawa’y mapuno ang mga puso natin sa biyaya nang Diyos ng pagibig upang ang kanyang awa ay manatili sa ating mga salita at gawa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023