Ebanghelyo: Juan 3:13-17
“Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao. At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpakailanman. “Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.”
Pagninilay
Isa sa mga nakasanayang gawi ay ang pagaantanda ng krus sa tuwing daraan o makakakita ang isang Katoliko nang mga banal o sagradong lugar tulad ng Simbahan, sementeryo, makatagpo nang libing sa daan, o makakita ng mga imahe nang mga Santo. Sa panahon ngayon, iilang Kristiyano na lamang ang gumagawa nito. Tulad ni Nicodemo na nagtungo kay Jesus, lingid sa kaalaman ng mga kasamahan niyang mga pariseo, hindi rin ba natin nais ipaalam o ipakilalang tayo’y tagasunod ni Kristo? Mula sa krus, ipinagbunyi ni Jesus ang kanyang makaDiyos na pagibig sa pagaalay ng kanyang sarili para sa kaligtasan nang lahat. Ito’y upang makamit natin ang buhay na walang hanggan bilang mga anak ng Diyos. Nararapat lamang na ipagdiwang at papurihan ng Simbahan ang Krus ni Jesus, ang tanda ng ating kalig tasan at makaDiyos na pagibig. Para sa ating mga binyagan, ang pagaantanda ng krus ay pagpapahayag ng ating pananampalatayang Kristiyano. Kaya dapat na ma ga lak tayo at huwag ikahiya ang pagpapahayag ng ating pananampalataya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023