Ebanghelyo: Mateo 1:1-16, 18-23
Ito ang libro ng pinagmulan ni Jesucristo, anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Si Juda ang ama nina Parez at Zerah (si Tamar ang kanilang ina), si Parez ang ama ni Esron, at si Esron ni Aram. Si Aram naman ang ama ni Aminadab, si Aminadab ni Naason, si Naason ni Salmon. Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab naman ang kanyang ina. Si Boaz ang ama ni Obed, si Ruth ang kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese. Si Jese ang ama ni David na hari. Si David ang ama ni Solomon, at ang naging maybahay ni Urias ang kanyang ina. Si Solomon ang ama ni Rehoboam na ama ni Abias, at sumunod naman ang mga haring sina Asa, Yosafat, Yoram, Ocias, Yoatan, Ahaz, Ezekias, Manases, Amon at Yosias. Si Yosias ang ama ni Yekonias at ng kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. Pagkatapos naman ng pagkatapon sa Babilonia – si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim, at si Eliakim ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob. Si Jacob ang ama ni Jose – ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo. Ganito ipinanganak si Jesucristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang magasawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisipisip niya ito, napakita sa kanya sa panagi nip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na panga ngalanan mong Jesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sam bayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y Nasa-atin-ang-Diyos.”
Pagninilay
Ipinagdiriwang ng Simbahan ang araw ng kapanganakan ni Birheng Maria, ang Ina ng ating Panginoong Jesus. Ang ebanghelyo ay tung kol sa pinagmulan ni Jose na asawa ni Maria at ang nangyari sa kapanganakan ni Jesus. Pinaparangalan si Maria ngayon dahil siya ang pinili upang matupad ang plano ng Diyos sa pagpapadala ng kanyang bugtong na Anak sa isang Birhen. Naganap din ang nasusulat sa Matandang Tipan na ang Mesiyas ay ipapadala mula sa hanay ng angkan ni David, sa katauhan ni Jose, na tumayong ama ni Jesus sa mundo. Bigyang ha laga at ipag diwang natin ang araw ng kapanganakan ni Maria sapagkat siya ang pinili na ma ging Ina ng Diyos. Ang kanyang kapanganakan ay mala king bahagi sa katuparan nang plano ng Diyos. Si Maria ay nananatiling Ina ng Simbahan at tayo’y kanyang mga anak. Ang pagdiriwang sa araw ng kanyang kapanganakan ay pa alaala na ang bawat isang nabubuhay sa mundo’y bahagi sa plano ng Diyos. Tulad ni Maria, ang mapagkumbabang alagad ng Diyos, nawa tayo’y maging masunurin sa kalooban ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023