Ebanghelyo: Lucas 5:1-11
Minsan, dinagsa si Jesus ng napakaraming taong nakikinig sa salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa bay bayin ng Lawa ng Genesaret. Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kaba baba pa lamang ng mga mangi ngisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. Kaya suma kay siya sa isa rito na pagaari ni Simon at hiniling dito na lumayo nang kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka’y sinimulang turuan ang maraming tao. Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para hu muli.” Ngunit sumagot si Simon: “Guro, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat.” At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napaka raming isda kaya halos mag kandasira ang kani lang mga lambat. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bang ka para lumapit at tulungan sila. Du mating nga ang mga ito at pinu no nila ang dalawang bangka hang gang halos lumu bog ang mga iyon. Nang makita ito ni Simon Pedro, nag pa tirapa siya sa harap ni Jesus at sinabi: “Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat taong makasalanan lamang ako.” Tala ga ngang nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga isda na nakuha nila. Gayundin naman ang mga anak ni Zebedeo na sina Jaime at Juan na mga kasama ni Simon. Ngunit sinabi ni Jesus kay Simon: “Huwag kang matakot; mula ngayo’y mga tao ang huhulihin mo.” Kayat nang madala na nila ang mga bangka sa lupa, iniwan nila ang lahat at sumu nod sa kanya.
Pagninilay
“Kanilang iniwan ang lahat at sumunod sa Kanya…” Ito ang nangyari kay Pedro, Santiago, at Juan nang nakilala nila at natuklasan ang kapangyarihan ng Salita ni Jesus. Buong gabi silang naglamay sa pangingisda ngunit wala silang nahuli. Alam nila kung paano mangisda sapagkat ito ang kanilang hanapbuhay. Ganun pa man, sumunod sila sa sinabi ni Jesus na Anak ng isang karpintero. Inihagis nila ang lambat at marami talaga silang nahuli. Ito ang nagpalalalim sa kanilang mababaw na pagkakilala kay Jesus. Dahil dito, nakaramdam ng hiya si Pedro sa kanyang pagkamakasalanan at pagiging hindi karapatdapat sa harapan ni Jesus. Pero nangingibabaw pa rin ang pagpili ni Jesus sa kanila. Ang pagtawag ni Jesus ay nangangahulugang hindi mahalaga kung ano ang pagkatao at nakaraaan ng isang tao; ngunit kung sino ang tumawag sa kanila. Sa kabila ng ating mga kakulangan at kabiguan, tinatawag tayo ng Panginoon na sumunod sa kanya. Ipagkatiwala ang maliit nating pananampalataya kay Jesus at palalimin ito sa pagsunod at pagiging malapit sa kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023