Ebanghelyo: Marcos 7:31-37
Umalis si Jesus sa lupain ng Tiro at dumaan sa Sidon papunta sa lawa ng Galilea. Pagdating niya sa lupain ng Decapolis, may mga nagdala sa kanya roon ng isang bingi na halos di makapagsalita. At hiniling nila kay Jesus na ipatong dito ang kamay.
Matapos siyang ihiwalay ni Jesus sa mga tao, inilagay niya ang kanyang daliri sa tainga ng tao at dumura at saka hinipo ang kanyang dila. At tumingala siya sa langit, nagbuntung-hininga at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig sabihi’y “Buksan”. Nabuksan ang mga tainga ng tao at biglang nakalag ang dila niyang nakabuhol kaya nakapagsalita siya nang tuwid.
Tinagubilinan sila ni Jesus na huwag sabihin ito kaninuman ngunit habang pinagbabawalan sila, lalo naman silang nagpapahayag. Labis na namangha ang mga tao at sinabi nila: “Pinaiigi niya ang lahat: nakaririnig ang bingi at nakapagsasalita ang pipi.”
Pagninilay
Ipinahayag ni propeta Isaias na ang interbensyon ng Diyos ay isang kamangha-manghang karanasan sa pagpapagaling: “At mamumulat ang mga mata ng mga bulag, mabubuksan ang mga tainga ng mga bingi; at luluksong gaya ng usa ang mga pilay, sisigaw sa galak ang dila ng mga pipi.” Towards to end, the text proclaims the marvelous transformation of humanity and nature through God’s action to bring joy and fullness of life: “Sapagkat bubukal ang tubig sa ilang, aagos ang mga ilog sa disyerto. Ang tigang na lupa’y magiging sapa, at bukal ng tubig ang uhaw na lupa.” Isaiah proclaims optimism to an exiled people, weak and filled with fear: “Lakasan ang loob, huwag matakot; narito, dumarating na ang inyong Diyos.” Jesus fulfills the prophecy of Isaiah. He heals the person deprived by the capacity to communicate. Once healed, the person can now hear, speak and express oneself. The healed person can now communicate and is now part of the community again; humanity healed, and nature transformed. James exhorts us to respond to this gratuitous act of love by God. True love does not discriminate; true love is inclusive: “Mga kapatid, huwag ninyong isama sa relihiyon ng ating maluwalhating Panginoong Jesucristo ang pagtatangitangi sa mga tao.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021