Ebanghelyo: Lucas 4:16-30
Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasula tan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natag puan niya ang lugar kung saan nasu sulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Pangi noon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilang go, sa mga bulag ang pagkabawi ng pa ni ngin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.” Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At naka tuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sina goga. Sinimulan niyang magsalita sa ka nila: “Isinakatuparan ang Kasula tang ito ngayon ha bang naki kinig kayo.” At sumangayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihangloob ng Diyos na nangga ling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?” Nagsalita si Jesus sa kanila: “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kasabihang: ‘Manggagamot, paga lingin mo ang iyong sarili! Gawin mo rin dito sa iyong bayan ang mga bagay na narinig naming ginawa mo sa Capernaum’.” At idinagdag niya: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggaptanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapana hunan ni Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kala hating taon at nagkaroon ng matin ding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa baba eng balo ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring mayketong sa Israel sa kapana hunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinaga ling kundi ang Siriong si Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na ki na ta tayuan ng kanilang bayan para ihu log. Ngunit du maan siya sa gitna nila at umalis.
Pagninilay
Ano ang ating sukatan sa pagpansin ng tao? Ang iba’y nakabase sa narating na edukasyon o sa ekonomikal na kalagayan. Ang iba’y batay sa katungkulan o kapangyarihan. Ang iba’y tumitingin sa kasaysayan ng pamilya o trabaho ng magulang. Walang takas si Jesus sa ganitong uri ng diskriminasyon. Hindi naniniwala ang kanyang mga kababayan dahil siya’y anak lamang ni Jose na karpintero. Wala siyang milagro na ginawa sa kanila dahil sa kawalan nila nang pananalig. Ang kultura ng diskriminasyon ay nana natili pa rin hanggang ngayon. Maraming tao ang pinagkakaitan ng oportunidad na lumago dahil wala silang impluwensya o makapangyarihang tao na nasa likod nila. Maraming tao ang nagsisikap at matuwid na nanatiling nasa baba ang kalagayan dahil kulang ang kanilang naabot sa pagaaral o dahil mula sila sa mahirap na pamilya. Ang hamon ni Jesus: Tayo ay maging daan sa pagsagip sa mga taong nabihag sa kultura ng diskriminasyon upang mabig yan ng pagkakataon na lumago ang bawat isa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023