Ebanghelyo: Mateo 16:21-27
Mula sa araw na iyon, ipinaalam ni Jesucristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem: pahihirapan siya ng mga Matatanda ng mga Judio, ng mga punongpari at ng mga guro ng Batas. Papa tayin siya at muling babangon sa ikatlong araw. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan: “Hu wag sana, Panginoon! Hindi ito puwede.” Ngunit hinarap ni Jesus si Pedro at sinabi sa kanya: “Sa likod ko, Satanas! At baka mo pa ako tisu rin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.” At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. Sa pagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawa walan nito ngunit ang naghahangad na mawa lan ng sarili alangalang sa akin ang makaka tagpo nito. Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? Ano ang maibibigay niya para mabawi ito? Darating nga ang Anak ng Tao taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang mga banal na anghel, at doon niya gagantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa.|
Pagninilay
Kung ang isang tao’y patungo sa kasiyahan, ang lahat ay nagnanais sumama. Ngunit kung ang tao’y patungo sa takot o hirap, walang nais sumama. Natuwa si Pedro sa pagkakataong tinawag siya ni Jesus dahil sa pahayag niya na si Jesus ang Kristo. Pero matapos ipaliwanag ni Jesus ang kanyang sasapitin sa Jerusalem, natakot si Pedro at kung maaari pa’y nais niyang hadlangan ang posibleng mangyari na paghihirap at kamatayan ni Jesus. Hindi lamang si Pedro ang naguluhan; maging ang marami pa niyang mga tagasunod. Iniwan nila si Jesus matapos malaman na hindi Siya ang inaasahan nilang politikal na lider na sasagip sa kanila mula sa kapangyarihan nang mga Romano. Ipinaabot ni Jesus ang paghahari ng Kaharian ng Diyos. Ito’y hindi katulad sa politikal na paghaharing ginagamitan ng kapangyarihan, yaman, at prebilehiyo. Ang paghahari ng Panginoon ay ipinapahayag sa mapagpakumbabang paglilingkod sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili. Hindi ito madaling tanggapin para sa mga taong naghahangad na¡ maging mataas at makapangyarihan. Ang susing ipinagkaloob kay Pedro ay tanda ng paghahandog ng sarili upang maglingkod at hindi paglingkuran. Kung kalooban ng Panginoon na piliin tayo sa paglilingkod, hindi talaga tayo mapapalagay na hindi tumugon sa kanyang tawag. Tulad ni Propeta Jeremias, nawa’y maangkin natin ang kapayapaan ng isipan at puso kahit may mga paghihirap sa paglilingkod. Sa pagpasan sa mabigat na krus at pagkamatay sa sarili para sa paglilingkod, nariyan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023