Ebanghelyo: Mc 8: 11-13
Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo sa kanya. Gusto
nilang subukan si Jesus at humingi ng isang makalangit na tanda. Nagbuntunghininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing ito.” Kaya iniwan sila ni Jesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo.
Pagninilay
Show me your smile and then kiss me. Tell me you love me again. Ang awit na ito ay pahayag ng hangarin ng isang babae. Kailangan siyang ngitian at hagkan upang madama niyang siya ay minamahal. Tunay na ang marami sa mga babae ay mapaghanap ng tanda. Sa panahon ni Jesus, ang mga tao ay humihingi rin ng palatandaan mula sa langit. Ngunit nilinaw ni Jesus na hindi siya magbibigay ng anumang tanda. Kailangan pa ba natin ang palatandaang tunay na may Diyos? Sabi nga sa Lumang Tipan, From the order and beauty of created beings, their Creator by analogy is seen. Ang daigdig at lahat ng naroon ay patunay na may makapangyarihang Diyos na Lumikha sa lahat. Hindi magagawa ng tao ang lumikha ng anumang bagay mula sa kawalan. Diyos lamang ang nagtataglay ng kapangyarihang iyon. Ano pa bang tanda ang ating hahanapin. Tayo ay may hininga at may buhay na sa Diyos nagmula. May mga taong manghang—mangha sa great wonders of the world. Hindi nila naiisip na ang five senses ng tao ay kamanghamangha rin – that we see, that we hear, that we smell, that we taste, that we feel. Kaydakilang regalo ng Diyos! Great wondees, too.
© Copyright Pang Araw-araw 2025