Ebanghelyo: Lucas 6:39-45
Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinhaga: “Puwede nga kayang akayin ng isang bulag ang isa pang bulag? Di ba’t kapwa sila mahuhulog sa kanal? Hindi higit sa kanyang guro ang alagad. Magiging katulad ng kanyang guro ang ganap na alagad.
Bakit mo tinitingnan ang pu wing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Kapatid, pa hintulutan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ gayong hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.
Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi makapamumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi maka-pipitas ng igos mula sa tinikan ni makaaani ng ubas mula sa dawagan. Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At sinasabi nga ng bibig ang umaapaw mula sa puso.
Pagninilay
Ang paghusga ay kina kailangan para matukoy kung ang isang ideya ay katugma ng mga pinapahalagahan natin. Kapag tayo’y may pinagpipilian, humuhusga tayo. Ang isang ina, halimbawa, na pumunta sa palengke, at iniisip kung ano pagpipilian sa dami ng mga bilihin, at sa kung magkano ang dala niyang pera. Ang isang mag-aaral sa grade 10 ay kailangang pumili kung aling track ang pipiliin niya sa kanyang pag-akyat sa senior high school. Gumagawa tayo ng mga pag-hatol araw-araw, makabuluhan man o hindi. Hindi nating maiwasan ang paghuhusga.
Hindi ang paghuhusga ang tinu -tukoy ni Jesus na iwasan natin. Nani-niwala akong hinihiling Niya sa atin na huwag maging mapanghusga. Kailangan nating gumawa ng mga paghuhusga tungkol sa mga bagay at isyu upang makagalaw tayo ayon sa hinihiling, ngunit iniiwasan natin hangga’t maaari, na maging mapang husga ng ating kapwa.
Dalawang bagay bakit hindi tayo dapat mapanghusga sa ating kapwa. Una, dahil malamang ang opiniyon natin sa iba ay kulang. Ang ating pa ningin sa mundo ay hindi kaylan man perpekto, kasama na ang ating pagtingin sa iba. Hindi natin alam kung ano ang nangyayari sa isang tao, ang kaniyang saloobin o di kaya naman ay pinagdadaanan. Kaya hindi rin malamang tama at buo ang ating sasabihin patungkol sa kaniya. Binabalaan tayo ng Panginoon: hu wag mapanghusga, dahil hindi na tin alam ang lahat-lahat.
Pangalawa, huwag maging mapang husga, dahil hindi pa tapos ang Diyos sa paghuhubog sa atin. Hindi natin masasabi na ang isang batang may ganitong ugali ay ganuon na habang-buhay. Marami pang mga pagkakataon upang magbago at ma ging mabuti ang isang tao. Kaya’t hangga’t maari, ipagpaliban muna natin ang panghuhusga sa kanila.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022