Ebanghelyo: Lucas 9:22-25
Sinabi nga ni Jesus: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga Siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin Siya at muling babangon sa ikatlong araw.”
Sinabi naman ni Jesus sa lahat: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang Kanyang sarili at kunin ang Kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng Kanyang sarili ay mawawalan nito, at ang mawawalan ng Kanyang sarili alang-alang sa akin ay siyang makapagliligtas nito. Ano ang pakinabang ng tao tubuin man Niya ang buong daigdig at mawawala naman o mapapahamak ang Kanyang sarili?
Pagninilay
Sa araw na ito, inaanyayahan tayo ni Jesus na buhatin ang ating krus at sundan siya. Ang pagbubuhat ng krus ay nangangahulugan na “mawalan ng mukha” o mapahiya. Sa panahon ni Jesus, ang krus ay ang pinaka sukdulan ng kahihiyan na maaaring mangyari sa isang tao para sa mga Romano at mga Judio. Ang pagwaksi sa sarili at pagdadala ng krus ay nangangahulugan ng pagmamahal sa Panginoon sa punto na hindi natin iniisip na mawalan ng mukha para sa kanya at pagkatapos ay sundin siya dahil walang sinuman at walang ibang bagay na mas mahalaga pa kaysa sa Kanya.
Ngayon Kuwaresma, inaanyayahan tayo ni Jesus na matuklasan muli na siya ang lahat, ang kaganapan, at ang tanging pag-ibig na makapagpupuno sa bawat nating hangarin. Hinahamon niya tayo na tuklasin na sa mundo kung saan ang bawat tao ay nagsasalita tungkol sa kaganapan ng sarili, ang tanging bagay na mahalaga ay ang mawalan ng sarili para sa pagmamahal sa Kanya at sa ating kapwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020