Ebanghelyo: Mateo 6:1-6, 16-18
Pag-ingatang huwag maging pakitangtao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang ga gawin ninyo, wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa langit.
Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trum peta sa unahan gaya ng gina gawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagan timpala an na sila nang husto.
Kaya kung ikaw naman ang magbi bigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong pagli limos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo.
Kung mananalangin kayo, huwag nin yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manala ngin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na naka kakita sa ipinag lilihim ang gagantimpala sa iyo.
Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nagaayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang magaayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nagaayuno para pakitang-tao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.
Pagninilay
Bakit kaya nais nating mapansin ng iba ang ating gawang mabuti? Bakit minsa’y nalulungkot tayo kung hindi tayo nabibigyan ng atensyon? Takot tayong mabalewala. Hindi natin gustong maisantabi o di mapansin. Gusto nating ipagmalaki kung ano ang ating mga nagawa at kung sino tayo. Nagpapaalala sa atin si Jesus na gawing tahimik ang paggawa ng mabuti – ang pagtulong sa iba, pananalangin, at pagaayuno. Ang Diyos Ama na nakakakita sa ating mabuting gawa sa katahimikan ang siyang magpapala sa atin. Kung pinapurihan tayo ng mga tao sa ating mabuting gawa, hindi na tayo dapat maghangad pa ng gantimpala mula sa Panginoon pagkat nakamit na natin ang gantimpala sa papuri ng iba. Ang liturhiya sa Miyerkules ng Abo ay nagpapaalala sa atin na tayo ay mula sa abo at babalik sa abo. Nawa’y manatili tayo sa kababaang-loob upang ang Panginoon na nagbigay ng buhay sa abo ay malugod sa atin at tayo’y maging marapat na tumanggap ng gantimpala ng biyaya ng awa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023