Ebanghelyo: Marcos 8:34—9:1
Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad pati ang mga tao, at sinabi: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawawalan nito, at ang mawawalan ng sarili alang-alang sa akin at sa ebanghelyo ang magliligtas nito.
“Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? At pagkatapos ay ano ang maibibigay niya para mabawi ang kanyang sarili? Ang ikinahihiya ako at ang aking mga salita sa harap ng di-tapat at makasalanang lahing ito ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao pagdating niyang taglay ang luwalhati ng kanyang Ama, kasama ng mga banal na anghel.”
At idinagdag ni Jesus: “Toto ong sinasabi ko sa inyo na di daranas ng kamatayan ang ilan sa mga naririto hanggang hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos na dumarating na may kapangyarihan.”
Pagninilay
Ang bawat disipulo, tulad ng Guro, ay tinawag upang magmahal hanggang sa makalimutan niya ang kanyang sarili. Ang pagbubuhat ng krus at pagtatwa sa sarili ay hindi isang anyo ng matatawag nating mystical self harm ngunit isang panukala sa buhay na sumasalungat sa makamundong lohika ng pagsasakatuparan ng sarili. Kadalasan, ang ating mundo ay nagaalok ng isang uri ng idolatriya ng sarili. Si Jesus ay may mas mahusay na mungkahi: upang mapagtanto natin ang sarili natin bilang isang biyaya, ito ay nangangahulugan ng pagiging bukas at pagtanggap sa katotohanan na makakatagpo lamang tayo kung kakalimutan natin ang ating sarili para sa kapwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020