Ebanghelyo: Marcos 8:22-26
Pagpasok nila sa Betsaida, isang bulag ang dinala sa Kanya at hiniling sa Kanyang hipuin ito. Inakay ito ni Jesus sa labas ng bayan, pinahiran ng laway ang mga mata nito at ipinatong ang Kanyang mga kamay. At saka Niya ito tinanong: “May nakikita ka ba?” Tumingin ang tao, at sinabi nito: “Parang mga punongkahoy ang nakikita ko pero lumalakad, tiyak na mga tao ito.” Kaya agad na ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa mga mata nito, at nakakilala Siya at gumaling, at nakita nga Niya nang malinaw ang lahat.
Pinauwi ito ni Jesus sa pagsasabing: “Huwag kang pumasok kahit na sa nayon.”
Pagninilay
Ang pagbabago o pagbabalikloob ay pangyayari sa buhay na nagbabago sa paglipas ng panahon. Maaaring nagkakaroon tayo ng mga sandaling matatawag nating intense divine encounter kapag nagreretreat, naglalakbay sa isang banal na lugar, o nakararanas ng panloob na pagkilos. Ngunit hindi ito rito nagtatapos; ito’y mga pasimula lamang. Minsan dumaraan tayo sa maraming kabiguan upang magbago ang ating mga puso.
Kailangan ng maraming pasensya upang magkaroon ng lubos na kaalaman sa ating sarili at sa Diyos. Kailangan natin ng panahon, pasensya, maging bukas, at lakas ng loob upang hayaan ang Panginoon na kumilos sa buhay natin at lubusan tayong baguhin.
Binigyang diin ni San Marcos angmga kongkretong ginawa ni Jesus sa pagpapagaling: ang laway, ang paghipo, ang pagpapatong ng mga kamay na nagpapahiwatig sa kasalukuyang paggalaw ng Panginoon sa ating buhay na palaging nangyayari sa pamamagitan ng mga tanda, nandiyan ang mga sakramento. Hayaan natin ang Diyos na gumalaw sa ating buhay sa pamamagitan ng maraming mga tanda ng Kanyang presensya sa araw araw.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020