Ebanghelyo: Marcos 7:14-23
Tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. Makinig ang may tainga.”
Pagkalayo ni Jesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol sa talinhagang ito. At sinabi niya: “Wala rin ba kayong pang-unawa? Hindi ba ninyo nauunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang pumapasok sa tao mula sa labas? Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas.”
(Sa gayo’y sinabi niya na malinis ang tanang mga pagkain.) At idinagdag niya: “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. Sa puso nga ng tao nagmumula ang masasamang hangarin – kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.
Pagninilay
Ang aming panalangin sa umaga ay nagsisimula sa “O Panginoon, buksan mo ang aking mga labi at ipahayag ng aking labi ang iyong papuri” (Awit 51:15). Ipinaaalala nito na ang layunin nang biyaya ng pagsasalita ay ang pagpupuri sa Panginoon. Kapag ang mga masasamang salita ay winikai, hindi na sila maaaring bawiin. Ang mga epekto ng masasamang salita sa
iba ay hindi na mapananauli. Ito ay katulad ng mga balahibo ng manok,
na hindi maibabalik sa kanilang balat kapag tinanggal na. Ano man ang lumalabas sa ating bibig ay nagpapakita kung ano ang nasa ating puso. “Mula sa kapunuan ng mga puso, ang bibig ay nagsasalita.” Ayon kay Dakilang San Basil, isang paraan upang maiwasan ang masasamang mga saloobin, na pinagmumulan ng masasamang pananalita, ay ang panatilihin ang salita ng Diyos sa ating isipan. Kasama ng mangaawit tayo ay nananalangin, “Ilikha mo ako ng dalisay na puso, O Diyos, bigyan ako ng espiritung bago at matuwid.” (Mga Awit 51:12).
© Copyright Pang Araw-Araw 2020