Ebanghelyo: Marcos 7:24-30
Pagkaalis sa lugar na iyon, lumayo si Jesus patungo sa hangganan ng Tiro. Pumasok siya roon sa isang bahay at kahit na ayaw niya itong malaman ninuman, hindi ito nalihim. May isang babaeng nakabalita tungkol sa kanya. Inaalihan ng maruming espiritu ang kanyang dalagita kaya pumunta siya at nagpatirapa sa kanyang paanan. Isa siyang paganong taga-Sirofenicia. At ipinakiusap niya kay Jesus na palayasin ang demonyo sa kanyang anak.
Sinabi naman ni Jesus sa kanya: “Bayaan mo munang mabusog ang mga anak. Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” Sumagot ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain ng mga tuta sa ilalim ng mesa ang mga nalalaglag mula sa mga bata.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil sa sinabi mong ito, lumabas na sa iyong anak na babae ang demonyo.” Kaya umuwi ang babae at nakita niya ang bata na nakahiga sa kama; lumabas na nga ang demonyo.
Pagninilay
Humingi ng tulong kay Jesus ang isang babaeng Hentil para sa kanyang anak na sina sapian ng masamang espiritu. Sa una, si Jesus ay tila walang pakialam sa kanya. Marahil, ginagawa ito ni Jesus upang subukin ang babae na pukawin ang pananampalataya sa kanya. Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa “itapon ang tinapay sa mga aso?” Itinuturing ng mga Hudyo ang mga Hentil bilang mga maruruming aso. Para sa mga Hudyo, hindi sila kabilang sa tinawag ng Diyos sa kanyang mga pinili. Gayunpaman, sa huli, pinuri ni Jesus ang Hentil na babaeng ito dahil sa kanyang pa-nanampalataya at pagmamahal sa kanyang anak.
Bukod sa pananampalataya, ipinapakita rin ni Jesus sa atin kung paano maging isang Kristiyano. Para maging Kristiyano, ang unang kinakailangan ay maging mapag-mahal sa lahat ng tao. Ang dalawang ito ay magkasingkahulugan. Pero paanong pagmamahal? Una, ang pagmamahal na walang pasubali. Kadalasan ang ating pag mamahal ay may nakakabit na kon disyon. Hindi ganoon ang tunay na pagma-mahal. Pangalawa, ang isang taong mapagmahal ay iniisip na gumawa lamang ng mabuti at iwasan ang kasamaan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022