Ebanghelyo: Marcos 7:14-23
Kaya tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. Makinig ang may tainga.”
Pagkalayo ni Jesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol sa talin hagang ito. At sinabi niya: “Wala rin ba kayong pangunawa? Hindi ba ninyo na uunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang pumapasok sa tao mula sa labas? Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas.”
(Sa gayo’y sinabi niya na malinis ang tanang mga pagkain.) At idinagdag niya: “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. Sa puso nga ng tao nagmumula ang masasamang hangarin – kahalayan, pagna nakaw, pagpatay sa kapwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.
Pagninilay
Ang pagkain ay may epekto sa katawan ng tao ngunit hindi sa kanyang pagkatao. Sa ebanghelyo, ipinakita ni Jesus na malinis ang lahat ng pagkain at hindi ito makapagpaparumi sa tao. Ang nakapagpaparumi sa tao ay ang mga hangarin ng kanyang puso. Mula sa kaibuturan ng puso, nangungusap ang bibig. Nakabatay sa mga hangarin ng ating puso ang ating paguugali, asal at gawi. Sa ating mga puso madalas nakikipagtagisan ang mabuti at masamang hangarin. Kung alin ang binibigyang pansin, siyang magwawagi at maghahari. Ito ang magtatakda ng kung ano ang ating sasabihin at gagawin. Kung kaya nga’t kailangang bantayan at suriin kung ano ang nasa loob ng ating mga puso sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay. Ang taong puno ng pagibig ng Diyos at nagmamahal sa Diyos, makaDiyos din ang kanyang mga salita at gawa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023