Ebanghelyo: Marcos 6:14-29
Nabalitaan din ni Haring Herodes ang tungkol sa kanya sapagkat tumanyag na ang kanyang pangalan. May nagsasabing nabuhay si Juan Bautista mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan. Sinabi naman ng iba: “Si Elias nga ito,” at ng iba pa: “Ito ay isang propeta gaya ng mga propeta noon.” Nang mabalitaan ito ni Herodes ay sinabi niya: “Nabuhay nga sa mga patay si Juan na pinapugutan ko ng ulo.”
Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Pinakasalan ni Herodes si Herodias at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo puwedeng kasamahin ang asawa ng iyong kapatid.” Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa. Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao, kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos makinig kay Juan, gayunma’y gusto pa rin niyang marinig ito.
At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya para sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahalagang tao ng Galilea. Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo.” At sinumpaan pa niya ang pangakong ito: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo, kahit na ang kalahati ng aking kaharian.” Lumabas ang anak at tinanong ang kanyang ina: “Ano ang hihingin ko?” At sumagot naman ito: “Ang ulo ni Juan Bautista.” Agad niyang pinuntahan ang hari at sinabi: “Gusto kong ibigay mo agad sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.”
Nabalisa ang hari ngunit ayaw niyang tumanggi dahil sa sinumpaan niyang pangako sa harap ng mga bisita. Kaya iniutos ng hari sa isa niyang guwardiya na dalhin ang ulo ni Juan. Pinugutan nito si Juan sa kulungan, inilagay sa isang bandeha ang kanyang ulo, ibinigay sa dalaga, at ibinigay naman ito ng dalaga sa kanyang ina. Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, dumating sila para kunin ang kanyang katawan at inilibing.
Pagninilay
Dalawang uri ng tao ang pina-pakita sa Ebanghelyo. Una, si San Juan Bautista. Siya ay isang malakas, kahanga-hanga at kapani-paniwalang tao. Hindi siya natatakot na magsabi ng totoo. Sa katunayan, pinugutan siya ng ulo dahil sinaway niya si Herodes na nakikipagrelasyon sa asawa ng kanyang kapatid, na siya namang kinasama ng loob ni Herodias.
Sa kabilang banda, nariyan si Herodes, isang uri ng tao na mahina at walang gulugod, duwag at ba-limbing. Hindi rin siya sigurado sa kanyang kinatatayuan. Nang pi nuna siya ni San Juan Bautista sa kan yang pakikiapid, nagalit siya sa kanya. Ngunit nang makilala niya si San Juan Bautista sa bilangguan, nagsimula siyang matakot, sapagkat alam niyang ang bilanggo ay isang matuwid at banal na tao.
Napapaligiran tayo ng mara-ming “Herodes”; sa katunayan, baka maging tayo ay katulad niya. Ang mga Herodes ng ating panahon ay ang mga taong mahina ang pani-nindigan sa mga pinaniniwalaan bilang Kristiyano. Mabilis nilang nakokompromiso ang kanilang pagka-Kristiyano dahil natatakot sila sa kung anong maidudulot nito sa kanila, at baka mapalayo sila sa kanilang mga kaibigan. Alam natin na bilang mga Kristiyanong Katoliko, dapat tayong manindigan para kay Kristo at sa Kanyang Mabuting Balita.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022