Ebanghelyo: Marcos 5:21-43*
(…) At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.”
Kaya umalis si Jesus kasama niya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya.
May isa namang babae na labindalawang taon nang dinudugo. (…) At nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nilapitan niya ito sa likuran sa gitna ng mga tao at hinipo ang damit nito, sapagkat naisip niya: “Kung mahihipo ko lamang ang kanyang mga damit, gagaling na ako.”
At agad na naampat ang pag-agos ng kanyang dugo at naramdaman niyang gumaling na ang kanyang sakit.
Ngunit agad din namang nadama ni Jesus na may lakas na lumabas sa kanya kaya lumingon siya sa gitna ng mga tao at nagtanong: “Sino ang humipo sa mga damit ko?” Sumagot ang kanyang mga alagad: “Nakikita mo nang ginigitgit ka ng napakaraming tao. Bakit mo pa itatanong: Sino ang humipo sa akin?” At patuloy siyang tumingin sa paligid para makita kung sino ang gumawa nito. Kaya lumapit na nanginginig sa takot ang babae. Namamalayan nga nito ang nangyari kaya lumapit ito at nagpatirapa sa harap niya at inamin sa kanya ang buong katotohanan.
At sinabi sa kanya ni Jesus: “Anak, iniligtas ka ng iyong pananalig. Humayo kang mapayapa at magaling ka na sa iyong sakit.”
Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniistorbo ngayon ang Guro?” Ngunit hindi sila inintindi ni Jesus at sinabi sa pinuno: “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” At wala siyang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime.
Pagdating nila sa bahay, nakita niya ang kaguluhan: may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Jesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan? (…)
At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Jesus ang lahat, at ang ama at ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kinaroroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum”, na ibig sabihi’y “Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”
At noon di’y bumangon ang bata at nagsimulang mag-lakad. (Labindalawang taon na nga siya.) At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.
Pagninilay
Ang mga kwento ni Jairo at ng dinudugong babae ay mga kwento ng himala. Mga kwento rin sila ng pananampalataya.
Nakapagpapagaling ang pana-nampalataya. Ngunit ang pananam-palatayang nakapagpapagaling ay hindi ang pananampalataya na nai wan sa pagkakataon – tulad ng pagsasabi, “Magdadasal ako pero bahala na kung magkakatotoo yung hinihingi ko.” Ang pananam-palatayang nakapagpapagaling ay nagsisimula sa puso, sa panloob na paniniwala na nagmumula sa pana-nampalataya sa Panginoon.
Minsan, kapag sinabi nating na-niniwala tayo sa Diyos, nananatili ang maliit na pagdududa sa atin na nagsasabing, “Nakikinig ba talaga ang Diyos? Andyan ba talaga siya? Ibibigay niya ba talaga sa akin ang hinihiling ko?”
Ipaalala natin sa sarili na hindi lamang nakikinig sa atin ang Diyos, alam din niya ang mga panganga-ilangan natin bago pa man natin ito sambitin. Gamitin natin ang ating mga puso sa pakikinig sa kanya, at manalig tayo na narinig niya tayo. Manalangin tayo na magkaroon tayo ng ganitong uri ng pananam-palataya – upang makilala natin ang Panginoon at ang Kanyang kalooban para sa ating buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022