
Sinabihan akong kalimutan na iyon,
para bang ang nakapagitan lang sa akin
at sa kasiyahan ay isang pader
na maaari kong bagtasin,
isang matatag, kongkretong pader, mas mataas
sa hagdan, may koronang alambre
sa ibabaw na parang ilaw Pasko,
nangungutya. Isang pader na binaklas sa matigas,
mainit na lupa at gubat,
hubad na bato ng bundok.
Paano ko maaakyat iyon kung ang mga pagitan
ay patuloy na lumalawak? Bawat hidwaan sambulat.
Lahat ng nawala sa pagbaklas –
nabaon sa bangin. Buto. Dugo.
Malalambot na braso ng bata.
Patayin mo ang iyong malalaking ilaw.
Babaliin ko ang iyong kutya sa king talampakan
na parang mga likod na ating tinatapakan, milya-milya
at iiwan ko siya roon
upang makatawid ang lahat.
ABRAHAM DE LA TORRE