Ebanghelyo: Lucas 13:10-17
Nagtuturo siya sa isang sinagoga sa Araw ng Pa hinga, at may isang babae roon. Labingwalong taon na siyang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkaka kandakuba na siya at di makatingala. Pag ka kita sa kanya ni Jesus, tinawag siya nito at sinabi: “Ba bae, lumaya ka sa iyong sakit.” Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang tuwid ang babae at nagpuri sa Diyos. Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo puma rito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pa hinga!” Sinagot siya ng Panginoon: “Mga mapag kunwari, hindi ba kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? At isang babae naman ang narito na anak ni Abraham na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?” Napahiya ang lahat niyang kalaban pag karinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahangahangang gina gawa ni Jesus.
Pagninilay
Isang parokyano ang nagtanong sa pari, “Bakit tumatanggap ka ng misa sa patay sa araw ng Lunes na dapat ay day-off mo?” Sumagot ang pari, “hindi ba maaaring magmisa sa patay kung dayoff? Isang beses lang naman namamatay ang tao. Bakit ipagkakait pa natin ang sakramento dahil lamang day-off ng pari?” Ang makapagligtas na gawa ng Diyos ay walang pinipiling araw. Kahit sa araw ng pamamahinga, nagpatuloy si Jesus sa pagpapagaling sa mga may sakit. Ang gawain sa kabutihan ay hindi mapipigilan ng kahit anong batas. Kalooban ng Panginoon na tayo’y maligtas mula pagkabihag sa mga bagay na nagdudulot pasakit tulad ng mga sakit upang makamit ang matiwasay na buhay. Ang batas ay ipinapatupad upang magbigay katiwasayan, kabutihan, at kapayapaan sa buhay. Ngunit mayroong mga taong ginagamit ang batas para kontrolin ang iba. Tulad sa ginawa ng mga pariseo at mga tagapagturo ng batas sa panahon ni Jesus. Siya ay naparito upang ipakita na ang mabuti at makabuluhang buhay ay hindi patungkol sa pagsunod sa titik ng batas. Ito ay ang pagsunod sa batas ng pag-ibig tungo sa kabutihan at pag-aaruga sa kapwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023