Ebanghelyo: Lucas 12:54-59
Sinabi rin ni Jesus sa mga tao: “Kapag nakita ninyong tumataas ang ulap sa kanluran, kaagad ninyong sinasabi, ‘Uulan,’ at ganoon nga ang nang yayari. At kung umiihip naman ang hangin galing timog, sinasabi ninyong ‘Magiging napakainit,’ at nangyayari nga ito. Mga mapagkunwari! Nabibigyan ninyo ng ka hu lugan ang anyo ng lupa at langit pero bakit hindi ninyo sinusuri kung ano ang panahong ito? At bakit hindi kayo mismo ang ma ka pag pas ya kung ano ang tama? Sa pag punta mo sa mayka pang ya rihan kasama ng kalaban mo, sikapin mong ma kipag-areglo sa kanya sa daan; baka iharap ka sa hukom, at ibigay ka naman ng hukom sa pulis para ipakulong sa bilangguan. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hanggang hindi mo nababaya ran ang kahuli-hulihang sentimo.”
Pagninilay
Hindi masama ang paniniguro para sa kinabukasan. Mabuti ang paghahanda para sa mga maaaring dumating at maganap. Ngunit minsan, hindi natin makita kung anong dapat bigyang pansin. Nag-iipon tayo nang yaman upang makasiguro sa ating kinabukasan, pero hindi na natin natatanaw ang mga nangangailangan ngayon. Pina paalalahanan tayo nang Pa nginoon sa paggamit sa atin g sapat na pagpili sa kung anong ating dapat gawin at bigyang pansin. Kilatisin natin ang ating sarili at tingnan kung anong nararapat gawin sa ngayon. Mayroon bang mga taong ating nasaktan sa salita at gawa na kinakai la ngan nating makipagkasundo? Mayroon ba tayong kapit-bahay na hindi natin nabigyang pansin at nangangailangan ng tulong? Mayroong bang mga miyembro sa ating pamilya ang nagkukulang tayo nang pagmamahal at pag-aaruga? Maging maingat sa pagkilatis at magnilay ng taimtim upang makita kung anong mga dapat nating gawin ngayon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023