Ebanghelyo: Lucas 12:49-53
Dumating ako upang maghagis ng apoy sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na sana ito! Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na lamang ang pagkabalisa ko hanggang di ito na ga ganap! Sa akala ba ninyo’y duma ting ako para magbigay ng kapa yapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, kundi paghihiwa-hiwalay! Sa pagkat mula ngayo’y magkakahati-hati ang limang nasa isang sambahayan, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo; mag kakahati-hati sila: ama la ban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina, biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae at manu gang na babae laban sa biyenang babae.”
Pagninilay
Kahit sa anong bansa o kultura, ang pamilya ay tunay na mahalaga sa isang tao. Kaya hindi matanggap ang itinuturo ni Jesus ngayon sa Ebanghelyo tungkol sa pagkabaha-bahagi nang mga pamilya alang-alang sa Kanya. Gayunpaman, ano ba talaga ang nais ipahiwatig ni Jesus? Ang pagsunod kay Jesus ay nangangailangan nang paghahandog ng buong sarili upang ang Panginoon lamang ang maging prayoridad. Ipinapahiwatig nitong walang ibang dapat unahin kundi ang Panginoon. Ganito rin ang larawan sa buhay ng isang pari o relihiyosong piniling ipagkaloob ang sarili sa Diyos. Kailangang iwanan ang pamilya upang maipadala sa isang pamayanang Kristiyano at maglingkod sa mga anak ng Diyos. Ang pamilya nang isang pari o relihiyoso’y hindi na lamang ang kanyang mga kadugo, kundi ang lahat ng anak ng Diyos. Para sa mga nananampalataya kay Kristo, ang hamon ay ang pagbubukas ng sarili hindi lamang para sa sariling pamilya o iilang tao lamang, kundi’y pag-aalay ng sarili para sa lahat.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023