Ebanghelyo: Lucas 12:39-48
Isipin ninyo ito: kung nalaman lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi ang dating ng magnanakaw, hindi sana niya paba bayaang looban ang kanyang bahay. Kaya maging han da kayo sapagkat duma rating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaakala.” Sinabi ni Pedro: “Panginoon, ka nino mo ba sinasabi ang talinhagang ito, sa amin o sa lahat?” Sumagot ang Panginoon: “Isipin ninyo ito: may tapat at mata linong katiwala na panga nga siwain ng panginoon sa kanyang mga tauhan para bigyan sila ng rasyon sa tamang oras. Kung sa pagdating ng kan yang panginoon ay matagpuan siya nitong tumu tupad nang gayon, mapalad ang lingkod na iyon. Talagang sinasabi ko sa inyo, panganga siwain siya nito sa lahat nitong ari-arian. Ngunit maaari namang maisip ng lingkod na iyon: ‘Matatagalan pang dumating ang panginoon ko’ at simulang pagmalupitan ang mga utusang lalaki at babae, at kumain, uminom at maglasing. Ngu nit darating ang panginoon ng lingkod na iyon sa araw na di niya inaasahan at sa oras na di niya nalalaman. Palala yasin niya ang katulong na ito at pakiki tunguhang gaya ng mga di-tapat. Maraming hampas ang tatang gapin ng katulong na nakaaalam sa kalooban ng kanyang panginoon pero hindi naghanda ni sumunod sa kalooban niya. Kaunti lang naman ang tatanggapin ng walang nalalaman sa kalooban niya ngu nit gumawa ng mga bagay na dapat parusahan. Hihingan nga ng marami ang binigyan ng marami at hihingan nang higit ang pinag katiwalaan nang higit.
Pagninilay
Ang bawat isa ay inaatasan nang Panginoon. Ang mga may katungkulan sa Simbahan, ang Santo Papa, mga Obispo, mga kaparian, mga relihiyoso, at mga laykong naglilingkod sa Simbahan ay inaatasan sa pagaalaga at pag-aaruga sa mga mananampalataya. Ang mga naninilbihan at nagtatrabho sa gobyerno’y inaatasan na unahin ang mga pangangailangan nang kanilang nasasakupan. Ang mga magulang ay inaatasan din sa paglago at ka butihan nang kanilang mga anak. Samakatuwid, ang bawat isa ay mayroong tungkulin sa nagbibigay nito sa atin. Ang unang gawain nang isang inatasan ay ang maihalintulad ang kanyang katangian sa kanyang amo. Kaya kailangang maging kawangis tayo sa katangian nang ating Panginoong Jesus, ang mabuting tagapagbantay, upang matamo natin sa mga pinaglilingkuran natin ang aruga sa Panginoong mahabagin. Sa takdang panahon, makikipagtipan ang Panginoon sa atin batay sa katungkulang iniatas Niya. Pagsumikapan nating mapalapit sa Kanya bilang mga tapat na alagad.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023