Ebanghelyo: Lucas 12:35-38
Maghintay kayong bihis at handang maglingkod, na may nakasinding mga lam para. Maging tulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang pa nginoon. Pauwi siya mula sa kasalan at agad nilang mabubuksan ang pinto pag dating niya at pag katok. Mapalad ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating niya. Maniwala kayo sa akin, isusuot niya ang damit pantrabaho at pauupuin sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. Dumating man siya sa hatinggabi o sa madaling-araw at matagpuan niya silang ganito, mapalad ang mga iyon!
Pagninilay
Parati tayong naghihintay sa Panginoon habang tayo’y naglalakbay sa mundong ito. Kung kailan darating ang Panginoon, siya lamang ang nakakaalam. Samakatuwid, dapat na maging masigasig tayo sa pagaantay sa kanya. Pero hindi ba dumalaw na sa atin si Jesus ng maraming pagkakataon? Nakalimutan na ba natin ang sinabi niya na kung ano ang ginagawa natin sa lubos na nangangailangan nating mga kapatid, gayun din ang ginagawa natin sa Kanya? Sino ba ang higit na nangangailangan? Iyong mga nagugutom, nauuhaw, walang saplot, mga may sakit, mga bilanggo, dayuhan, inaalipusta at pinagsasamantalahan; mula sa kanila, dumadalaw si Jesus sa atin. Maraming pagkakataon na hindi natin sila nabibigyan ng sapat na pansin. Ang masigasig na pag-aabang sa pagdating ng Panginoon ay makikita sa pagpapatuloy sa mga kapatid na lumalapit sa atin at pagdalaw sa mga napabayaan at nangangailangang tulong. Sa ganitong paraan, tayo’y magiging handa sa Kanyang muling pagdating.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023