Ebanghelyo: Marcos 10:35-45
Lumapit noon kay Jesus sina Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo, at sinabi sa kanya: “Guro, gusto sana naming gawin mo ang hihingin namin sa iyo.” At sinabi ni Jesus: “Ano ang gusto ninyong gawin ko?” Sumagot sila: “Ipagkaloob mo sa amin sa iyong kaluwalhatian na maupo ang isa sa amin sa kanan mo, at ang isa naman sa kaliwa mo.”
Sinabi ni Jesus: “Talagang hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Maiinom ba ninyo ang kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibininyag sa akin?” Sumagot sila: “Kaya namin.” Sumagot si Jesus: “Totoong iinom din kayo sa kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin. Ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Inihanda ito para sa iba.”
Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila kina Jaime at Juan. Kaya tinawag sila ni Jesus at sinabi sa kanila: “Nalalaman ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo; ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo.
Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”
Pagninilay
Si Jesus, habang ipinapahayag ng tatlong beses bilang Anak ng Diyos, ay ibinunyag din ng tatlong beses ang kanyang kamatayan, pagpapakasakit at muling pagkabuhay. Sa simula ng ebanghelyo ni Mk, sa kanyang pagbibinyag, isang tinig ang narinig: “Ikaw ang aking Anak, ang Minamahal, ikaw ang aking Hinirang”; ang sentro ng ebanghelyo ni Mk, kung sakaling ang noong nagbagong-anyo si Jesus, isang tinig ang muling narinig: ““Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pakinggan ninyo siya.”” (Mk. 9:7); sa pagtatapos ng ebanghelyo ni Mk, noong siya’y nakabayubay sa krus, inihayag ng senturyon: “Totoo ngang Anak ng Diyos ang taong ito.” (Mk. 15:39). When Jesus first predicted his passion death and resurrection, Peter could not take it; Peter simply missed to understand what it takes to be the Messiah (Mk. 8:31); after the transfiguration event, Jesus predicted his passion, death and resurrection then fighting ensued among the disciples of who is the greatest among them (Mk. 9:31); while they were journeying towards Jerusalem, again Jesus talks about his passion, death and resurrection then here come James and John asking for their privilege places and the rest of the disciples were indignant because they harbor the same ambition (Mk. 10:33). The prediction of the passion, death and resurrection unmasks the hearts of his disciples: misunderstanding, personal interests, places of honor, ambition, among others. When we face difficulties, our hearts are unmasked; our struggles and crises reveal who we are inside us. The exhortation of Jesus was clear-cut: “Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo…”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021