Ebanghelyo: Lucas 11:27-28
Habang nagsasalita pa siya, isang babae mula sa dami ng tao ang malakas na nagsabi sa kanya: “Mapalad ang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa iyo.” Ngunit sumagot si Jesus: “Kaya talagang mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.”
Pagninilay
Tunay ngang mapalad si Maria na naging ina ng ating Panginoon Jesus. Ito’y binigkas ng kanyang pinsan na si Elisabet nang sila’y nagtagpo habang kapwa nagdadalang- tao: “Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat…!” (Lk 1:42) Ngunit sinasabi ni Jesus na ang pakikinig sa banal na salita ng Diyos at ang pagtutupad nito ang siyang pangunahing kaligayahan at pinakamataas na karangalan ng tao. At ito ang ipinakita ni Maria sa buong buhay niya mula nang winika niya ang “Oo” bilang tugon na maging ina ng Diyos hanggang sa kamatayan sa krus at muling pagkabuhay ni Jesus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020