Ebanghelyo: Lucas 10:25-37
May tumindig na isang guro ng Batas para subukin si Jesus. Sinabi niya: “Guro, ano ang gagawin ko para makamit ang buhay na walang hang gan?” Suma got sa kanya si Jesus: “Ano ba ang nasu sulat sa Batas, at pa ano mo ito naiin tindihan?” Suma got ang guro ng Batas: “Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At nasusulat din naman: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Noo’y sinabi ni Jesus sa kanya: “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” Pero gustong ma ngat wiran ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Jesus: “At sino naman ang aking kapwa?” Sinagot siya ni Jesus: “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahu log siya sa kamay ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito at binugbog at saka iniwang ha los patay na. Nag ka taon namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. Pag ka kita sa kanya, lumihis ito ng daan. Ga yun din naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan. Pero may isang Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kina roro o nan niya; pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. Kayat lumapit ito, binu husan ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang tao sa sarili niyang hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan. Kinabu kasan, du mukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi: ‘Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anu mang karagda gang gastos pagbalik ko’.” At sinabi ni Jesus: “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang naging kapwa sa taong nahulog sa kamay ng mga tuli san?” Sagot ng guro: “Ang nagda lang-habag sa kanya.” Kaya sinabi ni Jesus sa kanya: “Humayo ka’t ganoon din ang gawin.”
Pagninilay
“Sino ba ang aking kapitbahay o kapwa?” Ang tanong na ito nang tagapagturo ng batas ay sinagot ni Jesus sa pamamagitan nang isang talinhaga tungkol sa mabuting Samaritano. Sa huling bahagi nang talinhaga, ibinalik ni Jesus ang tanong, “Sino ba ang kapit-bahay o kapwa para sa biktima nang mga tulisan? Ang pari, levita, o Samaritano?” Hindi mali ang tanong ng tagapagturo ng batas kung sinong kanyang kapit-bahay o kapwa-tao. Gayunpaman, ang dapat na tanong sa isang tao ay kung paano natin maipapakita ang pagiging kapitbahay o kapwa-tao sa iba. Ang galaw sa tunay na pag-ibig ay palaging patungo sa iba at hindi sa sarili. Ang totoong pagpapakita nang pag-ibig ay ang pagpapakita ng halaga sa iba, lalo na sa mga lubos na nangangailangan. Ang mabubuti nating gawa sa kapwa’y larawan sa Maka-Diyos na awa at pag-ibig.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023