Ebanghelyo: Lucas 12:39-48
Isipin ninyo ito: “Kung nalaman lamang ng mayari ng bahay kung anong oras ng gabi ang dating ng magnanakaw, hindi sana Niya pababayaang looban ang Kanyang bahay. Kaya maging handa kayo sapagkat dumarating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaakala.” Sinabi ni Pedro: “Panginoon, kanino mo ba sinasabi ang talinghagang ito, sa amin o sa lahat?” Sumagot ang Panginoon: “Isipin ninyo ito: may tapat at matalinong katiwala na pangangasiwain ng panginoon sa Kanyang mga tauhan para bigyan sila ng rasyon sa tamang oras. Kung sa pagdating ng Kanyang panginoon ay matagpuan Siya nitong tumutupad nang gayon, mapalad ang lingkod na iyon. Talagang sinasabi ko sa inyo, pangangasiwain Siya nito sa lahat nitong ari-arian. Ngunit maaari namang maisip ng lingkod na iyon: ‘Matatagalan pang dumating ang panginoon ko’ at simulang pagmalupitan ang mga utusang lalaki at babae, at kumain, uminom at maglasing. Ngunit darating ang panginoon ng lingkod na iyon sa araw na di Niya inaasahan at sa oras na di Niya nalalaman. Palalayasin Niya ang katulong na ito at pakikitunguhang gaya ng mga di-tapat. Maraming hampas ang tatanggapin ng katulong na nakaaalam sa kalooban ng Kanyang panginoon pero hindi naghanda ni sumunod sa kalooban Niya. Kaunti lang naman ang tatanggapin ng walang nalalaman sa kalooban Niya ngunit gumawa ng mga bagay na dapat parusahan. Hihingan nga ng marami ang binigyan ng marami at hihingan nang higit ang pinagkatiwalaan nang higit.Pagninilay
Kung nakasisiguro lamang ang isang alipin sa tiyak na oras na pagdating ng Kanyang panginoon, magiging handa Siya at isasakatuparan ang lahat ng inaasahan sa Kanya bilang isang alipin. Ngunit sa katotohanan, araw-araw tayong dinadalaw upang tingnan ang ating mga gawain. Nakakatagpo natin ang Panginoon sa tuwing nakiki – salamuha tayo sa mga tao. Nakikita natin ang Panginoon sa mga mabubuting gawaing ating naisasakatuparan. Paano natin pinaghahandaan ang pagdating ng Panginoon? Ang paghahanda ay hindi nagsisimula sa huling araw ng taon sa paggawa natin ng pagsusulit sa Kanya. Walang isang araw sa buong taon ang hindi pagkakataon upang makita at paglingkuran siya. Maging handa! Dumarating Siya!© Copyright Pang Araw-Araw 2019