Ebanghelyo: Mateo 18:1-5, 10
Nang panahong iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at tinanong nila siya: “Sino ang mas una sa kaharian ng Langit?” Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. Ang nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, Siya ang pinakamalaki sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumanggap sa batang ito dahil sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. “Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.Pagninilay
I sa sa mga unang dasal na natutunan natin sa ating katekismo ay ang panalangin ng pagtawag sa ating mga “angel de la guardia”. Ilang beses na nga ba nating naranasan ang pagkaligtas sa isang tiyak na kapahamakan? May mga pagkakataon ding pumapanatag ang ating kalooban sa gitna ng takot at pangamba. Nawawala ang ating takot at pag-aalinlangan. Ang Diyos ay isang mapagmahal at mapagkalingang Ama. Ang mga anghel na “laging nasa harapan ng Ama sa langit” ang patuloy na nagpaparamdam ng Kanyang paggabay, pagkalinga, proteksyon at pagmamahal. Huwag nang mangamba, sa ati’y may gumagabay at nagbabantay© Copyright Pang Araw-Araw 2019