Ebanghelyo: Lc 21: 12-19
Pero bago sumapit ang lahat ng ito, dadakipin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa mga sinagoga at dadalhin sa mga kulungan at ihaharap sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Sasapit ito sa inyo para makapagpatotoo kayo sa akin. Isaisip ninyo na huwag ikabalisa ang pagtatanggol sa inyong sarili dahil ako mismo ang magbibigay sa inyo ng mga salita at karunungang di matatagalan o masasagot ng lahat ninyong kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan, at papatayin nila ang ilan sa inyo. At kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Subalit hindi maaano isa mang buhok sa inyong ulo. Sa inyong pagpapakatatag, ang mga sarili ninyo mismo ang inyong makakamit.
Pagninilay
Pinaalalahanan ni Jesus ang kanyang mga disipulo, o sinumang nagnanais na sumunod sa kanya, na sila’y daranas ng matinding pang-uusig nang dahil sa Kanya. Maging ang sarili nilang mga magulang, mga kapatid, mga kamaganak at mga kaibigan ay magiging bahagi ng panguusig na ito. Hindi na bago sa atin ang kwento ng mga banal na martir ng ating Simbahan, na ang kanilang pagsaksi sa kanilang pananampalataya ay nagdulot upang ialay nila ang kanilang sariling buhay. Nandiyan na ang dalawang Pilipiino na mga kinilalang martir ng Simbahan, si San Lorenzo Ruiz at Pedro Calungsod. Kapwa sila nagbuwis ng buhay para sa kanilang pananampalataya at pag-ibig kay Jesus. At sa panahon natin ngayon, hindi makakalimutan ang ginawang pag-aalay ng buhay ni Fr. Rhoel Gallardo, i sang Mi syonerong Claretiano, para sa kanyang pananampalataya. Bilang mga Kristiyano, bahagi ng buhaypananampalataya natin ang sumaksi sa katotohanan. Si Jesus ang katotohanan ng buhay at sinumang tatanggap sa Kanya ay hindi maano maging isa mang buhok niya sa ulo.
© Copyright Pang Araw – araw 2024