Ebanghelyo: Lucas 21:5-11
May ilan namang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni Jesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagtanong sila sa Kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito?” Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pagkabalita ninyo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi Niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at maglalaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa langit.Pagninilay
Kahanga-hanga ang mga nagtataasan at naglalakihang simbahan lalo na sa Europa. Kamanghamanghang pagmasdan ang loob nito lalo na ang mga naggagandahang mga larawan, mosayko, mga eskultura at iba pang palamuti. Subalit papaano kung isang araw, ito ay iguho ng malakas na lindol o di kaya’y tupukin ng malakas na apoy? Tunay na makakapanlumo kung dumating ang araw na iyon. Gumuho man ang gusali, matigbak man ang mga bato, subalit ang tunay na Templo ay mananatiling nakatayo at hindi matitibag. Hindi ba’t tayo’y bahagi ng iisang katawan? Hindi ba’t tayo’y mga sanga ng iisang puno? Tayo’y bayang hinirang at tinipon ni Kristo. Tayo ang Simbahan! Kung gaano kaimportante para sa atin ang mga bahaydalanginan, higit pang halaga sana ang ating iukol sa ating mga bahagi ng Simbahan.© Copyright Pang Araw-Araw 2019