Ebanghelyo: Lucas 14:12-14
Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa Kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga bale-wala, mga pilay at mga bulag ang kumbidahin mo. At magiging mapalad ka dahil hindi ka nila masusuklian ngunit sa pagkabuhay ng mga mabuti ka susuklian.”Pagninilay
Tatlong mabibigat na bagay ang dapat gawin ng sinumang nagnanais sumunod kay Jesus: pagtatakwil sa ibang pag-ibig, pagpasan ng krus at pagtalikod sa lahat ng Kanya. Hindi gawang biro ang maging alagad ni Jesus. Nangangahulugan ito ng pagtalikod sa katiwasayan ng buhay at maging pagtatakwil sa sarili. May sapat ba tayong lakas at kakayahan upang maging matatag at maaasahan hanggang sa huli? Bago magpatayo ng gusali o sumabak sa digmaan, marapat na suriin muna ang kakayahan at kahandaan. Hindi madali ang radikal na pagsunod kay Jesus ngunit pupunuan ng biyaya ng Diyos ang ating kakayahan at kahandaang magtakwil ng ibang pag-ibig, magpasan ng ating krus, at iwan ang lahat ng sa atin.© Copyright Pang Araw-Araw 2019