Ebanghelyo: Mateo 4:18-22
Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang mag kapatid na Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.” Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglakad at na kita naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ng kani lang amang si Zebedeo at nagsusursi ng kani lang lambat. Tinawag sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang ka nilang ama, at nag simulang sumunod sa kanya.
Pagninilay
Sa kapistahan ni San Andres na apostol, ang Ebang helyong ipinapahayag ngayon ay tungkol sa pagtawag kay Andres at Simon na kanyang kapatid, at sa mga anak si Zebedeong sila Santiago at Juan. Nang walang pagdadalawangisip, iniwan ni Andres at Simon ang kanilang lambat sa paghahanapbuhay. Nang walang katanungan, iniwan din ni Santiago at Juan ang kanilang ama at ang bangka. Walang kasiguraduhan ang pagiwan nila sa kanilang hanapbuhay at pamilya; sumunod sila kay Jesus dahil sa pananalig. Sumunod sila kay Jesus na walang sariling tahanang maaaring maging pahingahan. Gayunpaman, nga yon ay naluluklok sila sa kaharian ng Diyos dahil sa kanilang tapat na pagsunod at paghahandog ng sarili. Sikapin din nating maging tulad sa mga apostoles na sumunod kay Jesus. Sila’y nagkaloob ng kanilang sarili sa pagpapahayag at pagsaksi sa Mabuting Balita. Huwaran nang Kristiyanong pamumuhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023