Ebanghelyo: Lucas 21:12-19
Pero bago sumapit ang lahat ng ito, dadakipin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa mga sinagoga at dadalhin sa mga kulungan at ihaharap sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Sasapit ito sa inyo para makapag pa totoo kayo sa akin. Isaisip ninyo na huwag ikabalisa ang pagtatanggol sa inyong sarili dahil ako mismo ang magbibigay sa inyo ng mga salita at karunungang di matata galan o masasagot ng lahat ninyong ka away. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamaganak at mga kaiigan, at papatayin nila ang ilan sa inyo. At kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Su balit hindi maaano isa mang buhok sa inyong ulo. Sa in yong pagpapaka tatag, ang mga sarili ninyo mis mo ang inyong makakamit.
Pagninilay
Isang pari ang nagsabi sa bagong naordinahang kapwa pari, “ngayong bagong pari ka pa, marami ang magpapapicture sa iyo, marami ang pararangalan ka. Gayunpaman, makalipas ang isang taon, marami na ang maninira sa iyo dahil hindi mo makakasundo sa iyong mga pamamaraan at sa mensahe ng Ebanghelyong iyong ipinapahayag.” Tulad ng mga alagad ni Jesus, na nakaranas ng mga pagpapakasakit at panganib, ang mga pumipili sa pagsunod sa Kanya ay mararanasang talikuran ng iba. Magaganap ito sapagkat ang aral ni Jesus ay ukol sa katotohanan at buhay tungo sa Diyos – sa mapagpakumbabang pag hahandog ng sarili laban sa makamundong sukatan ng buhay. Mula sa makatotohanang pagpapahayag sa mensahe ng Ebanghelyo, tatalikuran tayo ng iba ngunit sa ating pananatili sa makaDiyos na buhay, ating makakamit ang buhay na walang hanggan. Sa katapusan, ang tumatanggap sa mensahe ng Mabuting Balita ay iluluklok sa kanan upang matamo ang buhay na walang hanggan at ang tumatalikod ay magtutungo sa kaliwa at parurusahan ayon sa kanilang ginagawa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023