Ebanghelyo: Lucas 21:5-11
May ilan namang naguusap tungkol sa Templo, at sinabi nila na may magagandang bato ito at mamaha ling palamuti. Sinabi naman ni Jesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagta nong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito?” Sumagot si Jesus: “Magingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pag ka balita ninyo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga ba yan at maglalabanlaban ang mga kaharian. Magka ka roon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakilakilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa langit.
Pagninilay
Sa bawat panahong mayroong makakabagabag na mga pangyayari tulad ng kalamidad, pandemya, at kagu luhan, mayroong mga bulaang propetang nagsasabing malapit na ang katupusan nang mundo. Marami ang mga taong nalilinlang at mas nagiging mayaman ang mga bulaang nagpapakilalang sila’y sinugo ng Diyos. Sinabi ni Jesus sa Ebanghelyo na itong lahat ay magaganap. Gayunpaman, hindi ito nagpapahiwatig na darating na agad ang katapusan. Ang mga nakakabagabag na pangyayari sa mundo ay nararanasan natin dahil sa pagpapabaya ng tao sa nakasanayan at natural na kilos nito. Mayroong mga kaguluhan dahil sa kasakiman ng mga makapangyarihang bansang hindi nais magpatalo sa mga mahihinang bansa. Marami ang nasa mahihirap na kalagayan dahil sa pagkabulag at pagsasawalangbahala ng mga taong walang pakialam sa mga dukha. Ang katapusang panahon ay magaganap na puno nang papuri. Matutunghayan natin ang Panginoong huhukom batay sa ating mga ginagawa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023