Ebanghelyo: Mateo 25:31-46 Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ng lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay ang mga tupa sa mga kambing, gayun din niya pag hihiwahiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa ka liwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: ‘Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daig dig. Sapagkat nagu tom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako’y hubad, dinamitan ninyo ako; nang maysakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako’y nasa bilangguan, dina law ninyo ako.’ At itatanong sa kanya ng mabu buti: ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pina kain, nau uhaw at pinainom, isang dayu han at pina tuloy, at walang suot at dina mitan? Kailan ka namin naki tang maysakit o nasa bilang guan at nila pitan?’ Sasagutin sila ng Hari: ‘Tala gang sinasabi ko sa inyo: anu man ang gawin ninyo sa isa sa mali liit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.’ Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: ‘Mga isi numpa, lumayas kayo sa harap ko tungo sa apoy na walang katapusan na ini handa para sa diyablo at sa mga ang hel nito! Sapagkat nagutom ako at di ninyo bi nigyan ng makakain, nauhaw at di ninyo pina inom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, may sakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.’ Kaya itatanong din nila: ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagu gutom, nauuhaw, dayu han, hubad, may sakit o nakabilanggo, at di ka namin pinagling kuran?’ Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.’ At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hang gang buhay naman ang mga makata ru ngan.”
Pagninilay
Sa katapusan ng liturhiya ngayong taon, ipinagdiriwang natin ang Solemnidad ng Kristong Hari. Pagnilayan natin ngayon ang huling mga talinhaga sa Ebanghelyo, mula kay San Mateo, na nagpapabatid patungkol sa katapusang panahon kung saan maghahari si Jesus at magaganap ang paghuhukom. Ang mga tupa’y iluluklok sa kanan at ang mga kambing naman sa kaliwa. Inihambing ni Jesus ang sukatan kung sino ang maluluklok sa kanan at kaliwa. Ang mapupunta sa kanan ay ang mga nagpakain sa nagugutom, nagpainom sa mga nauuhaw, nagpatuloy sa mga walang tahanan, nagbigay damit sa mga walang saplot, nagalaga sa mga may sakit, at dumalaw sa mga binilanggo. Sa kabilang dako, mapupunta sa kaliwa at parurusahan ang mga hindi nagbigay pansin sa mga higit na nangangailangan. Sa katunayan, ang pagpili natin sa mga gawain nitong mundo ay ang magiging sukatan sa paghuhukom. Kalooban ng Diyos Ama para sa lahat na magkaisa kay Kristo at ito’y maaari lamang sa pagkilala sa Kanya – ang Mabuting Tagapagbantay. Kalakip nito ang pagsusumikap na mabuo ang ating puso tulad ng mabuting tagapagbantay mula sa pagaaruga at pagbibigay halaga sa ating kapwa tao. Kung nais nating makamit ang kaharian ng Diyos, pagsikapan nating maging larawan nang Mabuting Tagapagbantay sa mundo. Sa katapusan ng ating paglalakbay, matatamo natin ang kaginhawaan sa piling ng Mabuting Tagapagbantay, kung saan wala nang magkukulang pa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023