Ebanghelyo: Lucas 21:29-33
At sinabi ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga: “Tingnan ninyo ang punong-igos at ang ibang mga puno. Pagkakita ninyong nagdadahon na ang mga ito, alam ninyong malapit na ang tag-init. Gayundin naman, Pagbubunyag napansin ninyo ang mga ito, alamin ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo na hindi lilipas ang salinlahing ito at mangyayari ang lahat ng ito. Lilipas ang langit at lupa ngunit hindi lilipas ang aking mga salita.
Pagninilay
“Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang aking mga salita ay hindi mawawala.” Sa bawat araw ng ating buhay dapat nating tiyakin na nakikinig tayo sa salita ng Diyos upang mapagnilayan, magpagdasalan, at mapagsikapin nating tuparin ang atas ng Diyos. Sa buong taon ng liturhiya, ang mga salita ng Diyos na binasa at ating narinig ay gumagabay sa atin upang lumago tayo sa pagkilala sa Panginoong Jesukristo. Makakatulong kung ang bawat isa ay may isang kopya ng Bibliya, o ang giya ng ebanghelyo, at ang maglalaan ng panahon upang pagnilayan ang salita ng Diyos. Kapag inilalagay natin ang salita ng Diyos sa ating buhay, hindi na tayo mabubuhay ng wala ito, hindi na tayo mabubuhay nang wala si Jesus sa ating buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021