Ebanghelyo: Lucas 19:45-48
Pumasok si Jesus sa patyo ng Tem plo at pinalayas ang mga nagti tinda, at sinabi niya: “Nasusulat: ‘Magiging bahaydalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!” Arawaraw na nangangaral si Jesus sa Templo. Hangad siyang pa tayin ng mga punongpari at mga guro ng Batas, kasa ma ang mga Ma tatanda ng bayan. Ngunit wala silang magawa dahil taim tim na naki kinig sa kanya ang buong bayan.
Pagninilay
Maraming mga simbahan sa mga parokya ang naging maganda dahil sa pag tutulungan at pagbibigayan ng mga kaanib sa simbahan. Ang pagpapaganda sa simbahan ay ginagastusan upang makatulong na maging mainam na lugar para sa pagdiriwang ng mga sakramento. Gayunpaman, walang saysay ang lahat ng pagpapaganda kung walang tao ng Diyos na gagamit nito upang sumimba at magbigay papuri sa Panginoon. Mula sa mga sakramentong ating ipinagdiriwang sa simbahan, bumubuhos ang nakaliligtas na grasya ng Diyos, na nagpapabanal at naglilinis sa atin upang maibalik ang ugnayan sa Kanya. Huwag nating kalimutan na ang bawat binyagan ay kabahagi sa Simbahan. Tayo’y mga anak ng Diyos, templo ng Espiritu Santo.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023