Ebanghelyo: Lucas 19:1-10
Pumasok si Jesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. At may isang taong nagnga ngalang Zakeo. Pinu no siya ng mga kolektor ng buwis at napaka yaman. Sinikap niyang ma kita kung sino si Jesus pero pandak siya at hindi niya magawa dahil sa dami ng mga tao. Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang punongma laigos para makita si Jesus pagdaan doon. Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.” Nagmamadali siyang bumaba at tuwangtuwang tinanggap si Jesus. Inireklamo naman sa isa’t isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lala king makasalanan siya nakituloy.” Ngu nit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Pa nginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ariarian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambaha yang ito dahil anak nga ni Abraham ang taong ito. At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at iligtas ang nawa wala.”
Pagninilay
Para sa mga Pilipino, isang malaking kasiyahan at pre bilehiyo na mabisita ng pari ang kanilang bahay. Sa kabundukan, kakatayin pa talaga ang pinakamatabang manok upang ihanda sa pari. Ganito rin ang naramdaman ni Zakeo nang dinalaw siya ni Jesus sa kanyang tahanan. Umakyat siya sa puno nang sikomoro upang matunghayan ang pagdaan ng Panginoon, kahit pa hindi siya umaasang nais ni Jesus na magtungo sa kanyang bahay. Ang pagdalaw ni Jesus ay nagbigay pagbabago sa kanyang buhay at siya’y naging mapagbigay. Si Jesus ay nagpapatuloy sa pagdalaw sa atin mula sa ating mga kapatid na nangangailangan na lumalapit sa ating tahanan. Tanggapin natin sila at ibahagi ang mapagmahal na awa ni Jesus. Dalawin din natin ang mga kapatid nating napapalayo sa Panginoon upang kanilang ma ra nasan ang Kanyang presensya sa kanilang tahanan sa pagbabahagi nang Mabuting Balita sa kanila.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023