Ebanghelyo: Mateo 25:1-13
Tinutukoy ng kuwentong ito ang mang yayari sa kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa ka nila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reser bang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis.Nata galan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!’ Na gising silang lahat noon at inihanda ang ka nilang mga lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil ma hina na ang ningas ng aming mga lam para.’ Sumagot ang mata talino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.’ Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Pangi noon, pag buksan kami!’ Ngunit sumagot siya: ‘Tala gang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.’ Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.’
Pagninilay
Ano ang pagkakaiba ng kaalaman at karunungan? Ang kaalaman ay makakamit mula sa mga karanasan at natutunan sa pinagdaanan ng tao. Ang karunungan ay ang kakayahan sa pagtanaw sa hinaharap. Sa talinhaga ng Ebanghelyo, ang limang dalagang naubusan ng langis ay hindi naman nagkukulang sa kaalaman. Naghanda rin sila ngunit ang kanilang paghahanda ay hanggang sa nakasanayan lamang nilang oras sa pagdating ng ikakasal. Hindi nila inaasahang maaantala ang ikakasal. Ang iba pang limang dalaga’y naghanda ng sobrang langis dahil malayo ang kanilang pananaw na kahit hindi darating sa tamang oras ang hinihintay nilang ikakasal. Para sa ating mga naniniwala kay Jesus, kinakailangang makamit natin ang kaalaman at karunungan. Dapat na matuto tayo sa kanyang mga itinuro at isabuhay ito habang naglalakbay pa tayo sa mundo at naghahanda sa kanyang pagbabalik. Kinakailangan din nating maging marunong upang maging mapagmatyag. Kinakailangan mapagmatyag at gising tayo sa pananalangin, pagninilay, at pagsusumikap na matumbok ang kilos ng Panginoon sa ating buhay, pamayanan, at kasaysayan. Ating gamitin ang kaalaman mula sa mga aral ni Jesus sa pagkamit sa karunungan upang pagdating ng Panginoon, matunghayan tayong handang makibahagi sa Kanyang hapag.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023