Ebanghelyo: Lucas 16:9-15
Kaya sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo ang dimatuwid na Perangdiyos para magkaroon ng mga kaibi gan para sa pagkaubos nito’y tanggapin naman nila kayo sa walang hanggang mga taha nan. Ang mapagkakatiwalaan sa mali liit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaki, at ang di mapagka katiwalaan sa maliliit ay di rin ma pagkakatiwalaan sa malalaki. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa dimatuwid na pera, sino ang magtiti wala sa inyo ng tunay na kayama nan? Kung hindi ka yo mapagkatiwalaan sa mga bagay na hindi talaga sa inyo, sino pa kaya ang magbi bigay sa inyo ng talagang inyo? Walang katulong na makapag si silbi sa dalawang amo; siguradong kamu muhian niya ang isa at mamahalin naman ang isa pa, o magiging ma tapat sa isa at mapababayaan ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa pera.” Naririnig ng mga Pariseo ang lahat ng ito. Sakim sila kaya pinagtatawanan nila siya. At sinabi ni Jesus sa kanila: “Ginagawa ninyo ang lahat para mag muk hang mabuti sa paningin ng mga tao ngunit alam ng Diyos ang inyong mga puso. At kasuklamsuklam sa pa ningin ng Diyos ang mataas sa mga tao.
Pagninilay
Sa bawat panahon ng eleksyon, maraming mga tao ang nagkakahiwahiwalay. Kahit mga pamilya at magkakamaganak ay nagkakahiwalay dahil sa pinapanigang politiko. Pagkatapos ng eleksyon at lumipas ang ilang buwan o taon, magkakasundo na ang mga nagbanggaang politiko habang ang kanilang mga tagasunod ay hindi pa rin nagpapansinan. Nangyayari ito dahil naging mga diyosdiyosan ang mga politiko sa kanilang mga loyalista na ipinagpalit ang kanilang mga kadugo at mga prinsipyo para sa kanilang amo. Ang mga nanunungkulan sa kapangyarihan at sa sim bahan ay inaatasan upang alagaan ang pagkatao at buhay espiritwal ng sambayanan. Kaya ang mga nanunungkulan ay dapat na maglingkod at hindi gawing diyosdiyosan. Kung mananatili ang ating pagkilala na ang Diyos lamang ang ating Panginoon, hindi tayo magkakahiwahiwalay. Siya lamang ang ating paglilingkuran at pipi liin magpakailanman.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023