Ebanghelyo: Lucas 17:11-19
Habang papunta si Jesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Samaria sa Galilea. At pagpasok niya sa isang nayon, may sampung lalaking may ketong ang luma-bas para salubungin siya. Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag nang malakas: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin.” At sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Umalis kayo at humarap sa mga pari.” At nangyari na gumaling sila habang naglalakad. Isa sa kanila ang agad na nagbalik nang makita niyang gumaling siya, at pasigaw niyang pinuri ang Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus, sa pagpapasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. Kaya sinabi ni Jesus: “Di ba’t sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam? Wala bang bumalik para magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pananampalataya.”
Pagninilay
Ang pagiging mapagpasalamat ay isang dakilang bagay na unti-unting nawawala sa panahon ngayon. Ngunit ang mga mahirap ang nagpapaalala sa atin kung gaano kahalaga ang pasasalamat. May isang ama na nag-uwi ng mga tira-tirang pagkain na pinulot niya sa basurahan ng isang kainan. Tuwang-tuwa ang kanyang mga anak at asawa sa mga tiratirang pagkain. Bago sila kumain ay nagawa pa nilang magdasal muna sa Diyos upang magpasalamat sa Kanya sa biyayang kanilang natanggap sa araw na yaon kahit na galing lang sa basura ang tanghalian nila.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020