Ebanghelyo: Lucas 14:1, 7-11
Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para ku main, at minamanmanan naman nila siya. May talinhaga siyang sinabi nang mapu na niyang pinipili ng mga inimbita ang mga unang puwesto: “Kung anya yahan ka sa isang kasalan, huwag kang lumagay sa unang puwesto. Baka may kinumbidang mas impor tante kay sa iyo, at darating ang kumumbida sa inyong dalawa para sabihing ‘Ibigay mo sa kanya ang puwestong ito.’ Kaya mapa pahiya ka’t pupunta sa huling puwesto. Sa halip, kung anyayahan ka, sa hu ling puwesto ka pumunta sapagkat pag dating ng kumumbida sa iyo, sasabihin niya sa iyo: ‘Kaibigan, lu mapit ka pa.’ Kaya maparara ngalan ka sa harap ng lahat ng inanyayahan. Sapag kat iba baba ang lahat ng nagpapa kataas at ita taas ang nagpapakababa.”
Pagninilay
Dumalo ang isang pari sa salosalo at umupo siya sa sulok malapit sa pintuan. Hindi niya nakitang may mahalagang bahagi siya sa programa. Binabalikbalikan siya ng mga naghanda sa salosalo upang paupuin sa harapan kasama nang mga bisita. Nasabi niya sa kanyang sarili, “Masarap pala sa pakiramdam na kunin tayo sa sulok upang paupuin sa harapan. Malapit pa talaga sa pagkain.” Batay sa talinhagang sinabi ni Jesus sa mga bisita sa bahay ng isang pariseo, ganito ang mangyayari sa handaan sa Kaharian ng Diyos. Ang mga mapagpakumbaba na nananatili sa sulok ang pauupuin sa hapag upang makisalo sa Panginoon. Ang mga pinaparangalan na sa mundo at nakamit na ang makataong kadakilaan ay nakinabang na sa mga makamundong bagay. Hindi na sila uunahin sa hapag sa Panginoon. Ganito ang hustisya nang Diyos. Nalalaman nang Panginoon kung nagpapakasawa lang tayo sa mundo at ipinagwawalangbahala ang mga dukhang nangangailangan. Ang hustisya ng Diyos ay ang huhukom sa atin kung makakaupo ba tayo sa Kanyang hapag o mananatiling sa sulok lamang.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023